東京大学総合研究博物館 The University Museum, The University of Tokyo
東京大学 The University of Tokyo
HOME ENGLISH SITE MAP











Konsepto

Ang Unibersidad ng Tokyo ay mayroong koleksyon ng mga moldeng plaster ng tatluhang dimensiyon na gawa sa bansang Aleman noong pagitan ng mga taong 1880 hanggang 1890. Kinuha at ibinalik sa bansang Hapon ni Senkichi Nakagawa, isang Propesor ng Matematika sa Imperial na Unibersidad na nag-aaral sa bansang Aleman noong kapanahunang Taisho (1912-1926), binubuo ito ng 200 na piraso na may iba’t ibang uri ng pagkaka-kurba.Hindi ito pangkaraniwang koleksyon maging sa pandaigdigang antas. Sa pagsalin nito sa larangan ng fashion batay sa mataas na antas ng paggawa ng padron at pamamaraan ng pagtahi, muli naming nais na isaalang-alang ang pangunahing paksa ng katawan ng tao, ang anyo at paggalaw nito, na isang hindi nagmamaliw na suliraning hinaharap ng bawat manlilikha ng sining.

Ang manlilikhang sining na si Yves Klein ang gumamit ng salitang “Anthropometria” (literal nangangahulugang “ang sukat ng katawan ng tao”) sa larangan ng sining-plastik. Noong dekada ng 1960, gumawa siya ng mga likhang sining gamit ang IKB (International Klein Blue), isang pang-industriyang pigment na ipinangalan niya sa sarili, sa hubo’t hubad na katawan ng mga babae, at idiniin sila sa ibabaw ng lona. Anthropométrie ang ipinamagat niya sa mga likhang sining na ito. Ang gawang ito ni Klein ay nagmumungkahi ng pangyayari bilang isang minsan lamang na paglikha, at sa gayon ito ay may tanyag nang katayuan sa mundo ng sining. Higit pa rito, sa abot ng makabuluhang pagsubok sa paghuli ng pangangatawan ng tao sa pangdalawahang dimensiyon ng lona, napalawak ni Klein ang mga posibilidad sa mga susunod pang mga pagsisikap sa larangan ng sining.

Hindi lamang mga manlilikha ng sining ang may interes sa morpolohiya, kakayahan at paggalaw ng katawan ng tao. Paano balutin ang katawan ng tao ng kayo, kalungungin ito, panatilihin itong mainit, gayakan ito, ipakita ito at gawing kabigha-bighani: ilang mga pangunahing suliraning hindi maiiwasan ng mga manlilikha sa fashion na abala sa paglalang para sa tatluhang dimensiyon. Sa paglapat ng kayo sa katawan ng tao, ang pagpirmi rito gamit at mga aspile at palipat sa mga padron, ang isip ng tagadisenyo ay palagiang iniuudyok ng nararapat na pamamaraan ng paglipat ng porma ng katawan ng tao sa tela. Sa muling paglikha ng mga sali-salimuot na kurbada sa tela, ang nilinang na kasanayan sa paggawa ng mga padron, at ang pagbuo ng bawat isang elemento batay sa dunong sa mga pamamaraan ng pagtatahi ay kinakailangan. Kung ang paglikha ng mga gawaing sining ay suportado ng proseso ng pag-iisip na angkop bilang pagbuo ng anyo, sa gayon ang susuporta sa paglikha ng mga damit ay proseso ng pag-iisip sa paggawa ng padron at ang mga paraan ng pagtahi. Sa pagkakataon na ang sali-salimuot na pagpapahayag ng tatluhang dimensiyong manikin ay nailipat sa dalawahang dimensiyong piraso ng papel, naiiwan sa prosesong ito ang padron. Maliban sa mismong mga damit, sa mga padron natin matatagpuan ang purong anyo ng depinitibong resulta ng proseso ng pag-iisip nang paggawa ng padron ng tagapaggawa ng padron, na pinaiinam sa inaasahan na pangwakas na proseso ng pagtatahi.

Sa ganitong konteksto naming nais makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng iba’t ibang karayagan ng sali-salimuot na anyo, sa gayon gamit ang nasabing pamamaraan sa analitikal na heometrya sa ilalim ng kontrol ng matematikal na pangangatwiran. O, sa madaling sabi, nais naming makita ang paglalapat ng intelektuwal na proseso na kabaligtaran ng pamamaraang antropometrika, kungsaan ang sali-salimuot na anyo ng katawan ng tao ay naililipat sa dalawahang dimensiyong karayagan ayon sa tuwirang paraan ng paglimbag.

Fashionat matematika. Ang nagbanggit na kaugnayan ay maaaring lumalabas na magkalayong konsepto para sa maraming tao. Subali’t sa mismong paggapi ng mga tulad na pagsasauri kungsaan ang isang bagong pamamaraan, isang bagong proseso ng pagsasayari ay isinisilang. Sa pagkakataong ito, sa aming pagtangkang imbestigahan ang parehong hanggangan ng Fashion at Agham, ang mga heometrikong molde noong ika-19 na Siglo ang nagsilbing mahalagang pinagkukunang-yaman ng disenyo. Hindi inaasahan, ang kagandahan na nakapaloob sa matematikal na kalutasan ay nalalapit sa kung saan makikita sa larangan ng fashion. Ang pagtatanghal ng ganitong pagpapatunay ay angaming kasalukuyang layunin.

Yoshiaki Nishino
Direktor, ng University Museum, Ang Unibersidad ng Tokyo


Concept

The University of Tokyo holds a collection of plaster models of three-dimensional functions made in Germany between 1880 and 1890. This collection totalizing over 200 items, acquired and brought back to Japan by Senkichi Nakagawa, a Professor of Mathematics at the Imperial University who was studying in Germany during the Taisho era, is considerably rare even on an international scale. Diverse and varying curves characterize each of these objects. By transferring them to the realm of fashion according to high-level patterning and sewing techniques, we would like to reconsider again the fundamental issue of the human body, its forms and movements, an eternal problem facing every artist.

It is the artist Yves Klein who used the word “Anthropometria” (literally “the measure of the human body”) in the field of the plastic arts. In the 1960s, he produced paintings by applying the IKB (International Klein Blue), an industrial pigment he named himself, to the naked bodies of women, pressing them on canvas and making them roll over. He entitled these paintings Anthropométrie. Klein’s work prefigures happenings in that it is a one-time artistic production, and as such it already has a legendary status in the world of art. Moreover, insofar as it has been a significant attempt at reducing human corporality on the bi-dimensional scale of the canvas, Klein’s work has considerably expanded the realm of possibilities for the artistic endeavours to come.

Now, artists are not the only ones to show an interest in the morphology, the functions and the movements of the human body. How to wrap a human body with textile, protecting it, keeping it warm, adorning it, showing it and enchanting it: such a fundamental issue is precisely one that fashion creators, preoccupied with three-dimensional formal creation, cannot avoid facing. When applying textile on the human body, fixing it with pins and transferring it on patterns, the designer’s thought is constantly motivated by the appropriate method of transposing the forms of the human body on textile. When recreating these complex curvatures on textile, an accomplished technical mastery of patterning skills, as well as the assemblage of each element based on sophisticated contracting and sewing techniques are necessary. If the production of artworks is supported by a thought process that can be qualified as form-making, then what supports clothing production is a pattern-making thought process, as well as sewing techniques. Once the complex expressions of the three-dimensional mannequin have been transposed on a bi-dimensional sheet of paper, what remains of that process is the pattern. Apart from the completed actual clothes, it is on the patterns themselves that we find, in a concentrated form, the definitive results of the patterner’s pattern making thought process elaborated in the expectation of the final sewing process.

In such context, our aim is to differentiate between the diverse surfaces of complex form, thereby approaching the methodology employed in analytical geometry under the control of mathematical reason. Or, to state it in other words, we wish to see applied an intellectual process that is reverse to that of the anthropometric method, in which the complex forms of the human body are transferred to a bi-dimensional surface according to direct printing techniques.

Fashion and mathematics. Such a relationship may appear quite distant to most people. However, it is precisely by overcoming such categorizations that a new methodology, a new manufacturing process is born. This time, in our attempt to investigate the frontiers of Fashion and Science, geometrical models from the 19th Century served as an important design resource. Unexpectedly, the beauty contained in a mathematical solution is quite close to that which can be seen in the realm of fashion. To demonstrate such a fact is our present intention.

Yoshiaki Nishino
Director, the University Museum, the University of Tokyo

Top page of ANTHROPOMETRIA